Thursday, September 10, 2015

Yaya Dub nakatakas na! Alden naman ang na KIDNAP!

Malungkot ang naging weeksary ng AlDub ngayong Huwebes sa pagpapatuloy ng kalye-serye ng Eat Bulaga.
 
Habang nakalabas na si Yaya Dub mula sa kuta ng mga dumukot sa kaniya, nanatiling naghihinagpis ang dalaga.
 


Samantala, nakakuha naman ng tip sina Lola Nidora at Tinidora tungkol sa kinaroroonan ni Yaya.
 
Pero nang pumunta na sa kuta ang SWAT, o Sisters With Attitude, sa bahay ng mga kidnappers, wala na doon si Yaya.
 
Labis naman itong ikinalungkot ni Lola.
 
"Mas gusto ko pa na mag-celebrate kayong magkasama, kaysa ganito," ani Lola Nidora kay Alden.
 
Samantala, nananatiling malungkot ang binata mula sa kaniyang kinaroroonan sa Broadway Centrum.
 
Habang tuloy ang hinagpis, may mga lalaking naka-maskara na pumasok sa eksena upang dukutin si Alden at ipasok sa van.
 
Tuluyan na kayang makatakas si Yaya? At sino naman ang kumidnap dito kay Alden? Abangan sa pagpapatuloy ng kalye-serye ngayong Biyernes sa Eat Bulaga.

No comments:

Post a Comment